^

PSN Palaro

Training ng karatekas hahawakan ng POC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Philippine Olympic Committee ang mamamahala sa pagsasanay ng mga atleta ng Philippine Karate Federation-NSA (PKF-NSA) matapos bawiin ng World Karate Association (WKF) ang pagkilala sa huli.

Inatasan si long-time coach at dating jin Jobet Morales ng taekwondo na siguruhing mabibigyan ng tsansa ang lahat ng natio­nal karatekas na lumaban para sa puwesto sa mga sasalihang torneo.

Sa liham ni WKF president Antonio Espinos kay PKF-NSA president Joey Romasanta noong Abril 17 ay sinabi ng opisyal na “decided to withdraw recognition to the PKF-NSA with immediate effect. Kindly note that the disaffiliation will be referred for ratification to the WKF Congress.”

Idinagdag pa ni Espino na maaaring magpaliwanag ang Philippine federation sa World Congress na gagawin sa Madrid, Spain sa Nobyembre 5 kung gugustuhin nila.

Noong Lunes ay bini­sita si POC president Ricky Vargas ng ilang miyembro ng karate team na nagpahatid ng kanilang pagkadismaya sa nangyayari sa karate association.

Humingi rin sila ng tu­long kay Vargas sa ka­nilang pagsasanay para sa 2018  Asian Games at sa iba pang international competitions.

Nakipag-usap sina Vargas at POC Arbitration and Disputes Commission chairman Robert Aventajado sa ilang stakeholders, kabilang na ang PSC at kay Roma­santa at nagdesisyon na ang POC ang mamamahala sa pag-eensayo ng mga national karatekas.

Idinagdag pa ng POC president na ipapaalam nila sa WKF ang kanilang napagkasunduan para matiyak ang paglahok ng Philippine team sa mga international karate events.

vuukle comment

PHILIPPINE KARATE FEDERATION-NSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with