Namumuro ang Rockets, Jazz

Nagpipilit lumusot si James Harden ng Rockets sa depensa ni Jamal Crawford ng Timberwolves sa Game 4 ng NBA first round playoff series.

MINNEAPOLIS — Bagama’t hindi kumokonekta ang tira ni James Harden at ng halos karamihan ng Houston Rockets sa first half, hindi naman nawala ang kanilang kumpiyansa.

Sa third quarter ay nagparamdam ang mga sharpshooters.

Kumamada si Har­den ng 22 sa 50 points ng Rockets sa third period para talunin ang Minnesota Timberwolves, 119-100 sa Game Four at kunin ang 3-1 lead sa kanilang first-round playoff series.

“We had the menta­lity to be aggressive, make or missed shots,” wika ni Harden, tumipa ng 7 for 10 fieldgoal shooting sa third quarter at tumapos na may 36 points.

Humugot naman si Chris Paul ng 15 sa kanyang 25 points sa third p­eriod para sa Rockets, kinuha ang 50-49 halftime edge patungo sa pagtatayo ng 31-point lead hanggang ibaon ang Timberwolves sa 104-69 sa huling minuto ng fourth canto.

Ang tanging koponan sa history ng NBA playoffs na humataw ng maraming puntos sa isang quarter ay ang Los Angeles Lakers, umiskor ng 51 points sa fourth quarter noong March 31, 1962 sa kabiguan sa Detroit Pistons.

Humakot si Clint Capela ng 14 points at 17 rebounds habang tumipa si Eric Gordon ng 18 points mula sa bench para sa Houston.

Nagposte si Karl-An­thony Towns ng 22 points at 15 rebounds sa panig ng Timberwolves, nakahugot kay Derrick Rose ng 17 points at 6 rebounds.

Sa Salt Lake City, umiskor si Donovan Mitchell ng 33 points at kumolekta ng 7 rebounds para banderahan ang Utah Jazz sa 113-96 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

Lumapit ang Jazz sa kanilang second round clash ng Rockets.

Nagdagdag si Joe Ingles ng 20 points at kumolekta si Rudy Gobert ng 16 points at 10 rebounds para sa Utah.

Naglista naman si guard Ricky Rubio ng 13 points, 8 assists at 6 boards para sa 3-1 bentahe ng Jazz sa Thunder.

Gagawin ang Game Five sa Oklahoma City sa Huwebes (Manila time).

Pinamunuan ni Paul George ang Thunder mula sa kanyang 32 points at tumapos si Russell Westbrook na may 23 points at 14 rebounds.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Oklahoma City sa kanilang serye ng Utah.

Show comments