Walang Angas

Pangiti-ngiti lang si Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse.

Mula sa Manila hanggang sa Kuala Lumpur, naging magalang ang pakikitungo ni Pacquiao.

Same old Pacquiao.

Ito’y matapos magsalita ang kampo ni Matthysse na bilang na ang mga araw ni Pacquiao sa loob ng ring.

Sa City of Dreams Manila binitawan ng manager ni Matthysse ang matatapang na salita.

“His time is over,” sabi ni Mario Arano.

At pagdating sa Kuala Lumpur, inulit ito ni Matthysse.

“This is my time,” sabi niya.

Nakasama tayo sa biyahe sa Kuala Lumpur at doon ay inulit ng champion na wala siyang duda sa magiging resulta ng laban.

Panahon na raw niya.

Tahimik lang ang ating palaban na senador.

“I don’t want to predict the fight,” sabi pa niya sa amin.

Sa July 15 na lang sa Malaysia makikita.

Ayan si Pacquiao.

Walang angas, wa­lang yabang.

Show comments