James hataw uli sa Cavs
CLEVELAND — Ipinaalala ni LeBron James sa Eastern Conference top team Toronto Raptors na siya ang 'king' sa NBA.
Nagtala si James ng 35 points, 17 assists at 7 rebounds para pamunuan ang Cavaliers sa 132-129 paggupo sa Raptors.
Ito ang ikalawang sunod na laro na hindi umupo sa bench ng Cleveland si coach Tyronn Lue, kasalukuyang may problema sa kalusugan.
“I've never seen anything like it,” sabi ni associate coach Larry Drew, pansamantalang pumalit kay Lue, sa inilaro ni James. “It's just amazing what he does, night in and night out. How he sustains it is just mind-boggling.”
Nagsalpak si James ng tatlong free throws sa natitirang 7.8 segundo para sa Cavaliers bago nagkaroon ng tsansa si DeMar DeRozan na itabla ang Raptors.
Naimintis ni DeRozan ang kanyang tangka sa 3-point line.
Nagdagdag si Kevin Love ng 23 points at 12 rebounds habang naglista si George Hill ng 22 markers mula sa 10-of-11 fieldgoal shooting para sa Cleveland, tinalo ng Toronto via 34-point win noong Enero.
Sa San Antonio, humakot si LaMarcus Aldridge ng 27 points at 9 rebounds para kunin ng Spurs ang 98-90 panalo laban sa Washington Wizards at itala ang pang-limang sunod na ratsada.
Nanatili ang San Antonio sa sixth place sa Western Conference, kalahating laro ang agwat sa fourth-place na Oklahoma City.
Umiskor naman sina Bradley Beal at Kelly Oubre Jr. ng tig-21 points sa panig ng Washington, nakapuwesto sa sixth spot sa Eastern Conference.
- Latest