^

PSN Palaro

Bustamante, Pagulayan pasok sa 3rd round

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtala ng magkaibang panalo sina dating world champions Francisco Bustamante at Alex Pagulayan upang umusad sa third round ng 2018 Scotty Townsend Memorial One-Pocket Tournament na ginaganap sa Arena Billiards West Monroe sa Los Angeles, California.

Umabante sa susunod na yugto si Bustamante via walkover matapos atakihin si Cliff Joyner sa kanilang second round game.  Agad na dinala sa ospital si Joyner na nakatakdang operahan dahil sa mild stroke.

Sa kabilang banda, kinailangan ni Pagulayan na paghirapan ang 4-3 panalo laban sa kababayang si Dennis Orcollo sa kanilang sariling second-round game ng torneong may nakalaang $10,000 sa magkakampeon at $6,000 sa runner-up.

Nauna nang nagtala ng panalo si Bustamante laban kay Devin Poteet sa first round habang namayani naman si Pagulayan kay Chip Compton sa kanyang unang pagsalang.

Sa third round, makakasagupa ni Bustamante ang magwawagi sa pagitan nina Danny Smith at Charlie B­ryant samantalang hinihintay ni Pagulayan ang mana­naig kina Josh Roberts at Tony Chohan.

Nahulog naman si Orcollo sa losers’ bracket kung saan kailangan nitong maipanalo ang lahat ng kanyang susunod na laban upang manatiling buhay ang kanyang pag-asa para sa korona.

Hihintayin pa ni Orcollo ang mananalo sa do-or-die game nina Jeremy Jones at Skyler Woodward.

Puntirya ng Pinoy cue masters na masundan ang kampeonato ni Zoren James Arenas sa Scotty Townsend Memorial 9-Ball Tournament kamakalawa.

Samantala, naglalaro rin sina Warren Kiamco at Ronnie Alcano sa US Open Bank Pool Championships na ginaganap sa Griffs sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with