^

PSN Palaro

Foton laglag sa F2 Logistics

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes (The Arena)

2pm SLR vs SMA

4:15pm GAL vs FTL

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng nagdedepensang F2 Logistics nang dispatsahin nito ang two-time champion Foton sa bisa ng 25-18, 23-25, 25-20, 25-16 panalo para mapatatag ang kapit sa No. 2 spot sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

Hindi maawat ang umuusok na si reigning MVP Maria Jose Perez na nagpakawala ng 25 puntos buhat sa 22 attacks, dalawang blocks at isang ace para hatakin ang Cargo Movers sa ikalimang panalo sa anim na laro.

Nakatuwang ni Perez sa opensa sina American opposite spiker Kennedy Bryan, skipper Cha Cruz at middle blocker Aby Maraño.

Nagbigay naman ng ilang importanteng kontribusyon si Maria Lourdes Clemente partikular na sa net defense habang minanduhan nina Japanese libero Minami Yoishioka ang floor defense at Kim Fajardo ang setting chores para sa F2.

Naging bentahe ng Tornadoes ang mas ma­tatangkad nitong pla­yers para makakuha ng 11 blocks kumpara sa pito lamang ng Cargo Movers.

Nagtala rin ang Foton ng 18-13 edge sa service line at libreng 24 puntos mula sa errors ng F2 logistics.

Subalit sa kabila nito, nagawa pa rin ng Cargo Movers na manalo matapos magpako ng 59 umaatikabong attacks laban sa 38 kills lamang ng Tornadoes.

Gumulong ang Tornadoes sa 2-4 marka. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with