^

PSN Palaro

Lady Bulldogs gustong makabalik uli sa itaas

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2pm UP vs UST

4pm ADMU vs NU

MANILA, Philippines — Hangad ng National University na makabalik sa tuktok ng standing sa pagharap sa mapanganib na Ateneo  ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Lady Bulldogs at Lady Eagles sa alas-4 matapos ang bakbakan ng University of the Philippines at University of Santo Tomas sa alas-2.

Nahulog sa ikalawang puwesto ang NU tangan ang 6-2 baraha habang nasa solong pamumuno ang nagdedepensang   La Salle  na may 7-2 marka.

Muling nasugatan ang Lady Bulldogs nang lumasap ito ng 25-27, 25-27, 16-25 kabiguan sa Lady Spikers noong Sabado.

Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling mataas ang moral ng NU.

Hindi nawawala ang bangis nito dahil nariyan pa rin si national team member Jaja Santiago na nagsisilbing tinik sa lalalamunan ng kanilang mga nakakalaban.

Nakagawa lamang ng 13 puntos si Santiago laban sa La Salle kaya’t asahan na ibubuhos nito ang lahat upang makaresbak at ma­kabalik sa porma.

Kailangan ni Santiago ng solidong suporta mula kina open hitters Aiko Urdas at Audrey Paran kasama sina middle blocker Risa Sato at opposite spiker Roselyn Doria.

Magsasanib-puwersa naman sina playmaker Jasmine Nabor at libero Gayle Valdez para makabuo ng magandang set-up para sa kanilang mga spikers.

Sa kabilang banda, umaangat na rin ang laro ng Lady Eagles.

Ginulantang ng Ateneo ang Far Eastern University sa kanilang huling laro, 25-19, 25-21, 25-17 para umangat sa 5-3 rekord.

Bumandera sa natu­rang panalo si Jhoana Maraguinot na humataw ng 15 puntos katuwang si open spiker Kat Tolentino na naglista ng 11 puntos.

Umaasa rin ang Lady Eagles na makaresbak sa kanilang tinamong 19-25, 19-25, 25-20, 25-12, 15-7 kabiguan sa Lady Bulldogs sa first round ng elims.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with