CEU Scorpions pinatumba ang Perpetual Altas

Laro Bukas(Ynares Sports Arena, Pasig City)

 2 p.m. – CEU vs Gamboa Coffee 

4 p.m. - Akari-Adamson vs Wangs-Letran

MANILA, Philippines — Umiskor si Rich Guinita­ran ng 27 points para iangat ang Centro Escolar Univer­sity Scorpions sa 90-85 panalo laban sa University of Perpetual Help Altas sa 2018 PBA D-League Aspi­rants’ Cup kahapon sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.

Bukod kay Guinitaran, ku­molekta ng 22 points at 12 rebounds ang Congolese import na si Rod Ebondo at nagdagdag ng 16 markers si Joseph Manlangit para sa pang-pitong panalo ng Scorpions sa walong laro.

Nalasap naman ng Altas ang pang-limang pagkatalo sa pitong laban.

Naiwanan ng dalawang puntos ang CEU, ngu­nit umiskor si Orlan Wa­mar ng isang drive para maitabla ang laban sa 85-85 sa hu­ling dalawang minuto ng fourth period.

Pinangunahan ni import Prince Eze ang rally ng Per­­petual Help Altas para burahin ang 72-60 bentahe ng Scorpions at lumamang pa ng dalawang puntos sa krusyal stretch ng laro.

Ngunit nagmintis ang Nigerian import sa kanyang dalawang free throws sa hu­ling 43 segundo para sa Altas na nag­bigay-daan sa Scorpions na makatakas at kunin ang panalo.

Nagposte si Eze ng  23 points, 17 rebounds at 4 blocks para sa Perpetual ni coach Frankie Lim.

Show comments