Le Tour de Filipinas papadyak sa Mayo 20-29
MANILA, Philippines — Papadyak ang pang-siyam na edisyon ng Le Tour de Filipinas sa May 20 hanggang 29 sa Central at Northern Luzon.
Sinabi kahapon ng nag-oorganisang Ube Media Inc. na inaprubahan ng International Cycling Union (UCI) at Asian Cycling Confederation (ACC) ang bagong petsa ng 2018 Le Tour de Filipinas na orihinal na itinakda noong Pebrero 18-21.
Ngunit ito ay nakansela dahil sa pagputok ng Mayon Volcano.
Sa email ay kinumpirma ng UCI noong Sabado ang bagong petsa ng 2018 Le Tour de Filipinas.
Inilipat din ang ruta ng nasabing karera sa Quezon City, Central Luzon, Ilocos, Cagayan Valley at Baguio City mula sa dating lugar na Bicol Region.
Ang Le Tour de Filipinas ang tanging road race na may basbas ng UCI at ACC.
Ihahayag ng Ube Media, Inc. ang official route ng four-stage race na magbabalik sa Pangasinan, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Tarlac at Baguio City.
- Latest