^

PSN Palaro

Harden nagpasabog sa panalo ng Rockets vs T’wolves

Pilipino Star Ngayon
Harden nagpasabog sa panalo ng Rockets vs T�wolves

Tinangkang pigilan nina Karl-Anthony Towns at Nemanja Bjelica ng Timberwolves si Rockets guard James Harden sa NBA.

HOUSTON — Nagposte si James Harden ng 31 points para tulungan ang Rockets sa pagtatala ng ika-11 sunod na panalo sa bisa ng 120-102 paggiba sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Clint Capela ng 25 points at 11 rebounds para sa Houston  habang tumapos si Chris Paul na may 14 points, 10 rebounds at 8 assists.

Iniwanan ng Timberwolves ang Rockets sa first half bago humataw sa second half para mapanatili ang kanilang NBA best record.

Pinamunuan ni Andrew Wiggins ang Minnesota mula sa kanyang 21 points, samantalang nagtala sina Jeff Teague at Karl-Anthony Towns ng tig-18 points.

Nagkaroon naman si Timberwolves All-Star guard Jimmy Butler ng right knee injury sa third period matapos dumakma ng isang rebound.

Ito ang pang-11 sunod na home win ng Houston laban sa bisitang Minnesota.

Naglaro ang Rockets na wala si guard Eric Gordon at pinalitan ni P.J. Tucker na nag-ambag ng 11 points sa loob ng 28 minuto.

Sa New Orleans, kumolekta si Anthony Davis ng 45 points, 17 rebounds, 5 blocked shots at 5 steals para banderahan ang Pelicans sa 124-123 overtime victory laban sa Miami Heat. 

Ito ang ikaapat na dikit na ratsada ng New Orleans.

Umiskor naman si Goran Dragic ng 30 points at nagsalpak si Dwyane Wade ng dalawang runners para ibigay sa Heat ang abante sa huling 36 segundo ng overtime.

Ngunit kumonekta si Davis ng isang layup kasunod ang jumper ni Jrue Holiday sa natitirang pitong segundo ng labanan.

Tumalbog ang tirada ni Wade at ang put back ni Josh Richardson para sa pangatlong sunod na kabiguan ng Miami.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with