^

PSN Showbiz

Marian at Alfred to the rescue, travel agency ng misis daw ni Gani Oro puro kapalpakan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian at Alfred to the rescue, travel agency ng misis daw ni Gani Oro puro kapalpakan!

Marian

Ang idemanda ko si Imee Oro ng Las Vegas Travels & Tours na palpak ang serbisyo ang advice sa akin ni Arnold Clavio pero I’m keeping my options open.

Nangyari noong Biyernes habang papunta kami sa South Korea ng mga kasama ko ang horror story ko tungkol sa kalupitan ni Imee na asawa raw ni Gani Oro.

Nine times na akong nakakapunta sa South Korea kaya siguro binigyan na ako ng 3 years multiple entry na visa.

Sa travels ko, marami na akong na-encounter na mga kagagahan pero hindi nga kasi ako mareklamong tao kaya kung ano ang nandiyan, okey lang, lalo pa nga madalas ang mga travels ko gratis et amore as in mga regalo at bigay ng mababait kong sponsors.

May libreng tiket ka pero makikitira kayo sa bahay ng kakilala. Meron naman na maliit lang ang budget kaya okey lang kahit backpack hotel.

Kung lucky na, 5-stars all expenses paid, maganda ang hotel, full board meal with matching baon.

Pero first time ko na maka-encounter ng isang unprofessional travel agent in the person of Imee Oro, to think na asawa raw siya ni Gani Oro.

Naloka ako na all set na sasakay kami kinabukasan sa Air Asia, biglang sa eve ng pag-alis mo, sasabihin niya na PAL na ang plane n’yo.

Okey lang pero pagdating mo sa airport, hindi kami naka-booked at wala kami sa passenger list at nalaman ko pa na habang nasa eroplano kami, saka lang binabayaran ang hotel na titirhan namin na supposedly, bayad na.

Ang mahirap, hindi upfront si Imee Oro sa dealing niya. Ngayon lang ako naka-encounter na isang travel agent na gumagawa ng sariling istorya.

Ang isang travel agent, dapat may word of honor dahil mostly, nakadepende sa honor system ang business mo. Horror talaga ang naging experience ko kay Imee Oro at sa Las Vegas Travels & Tours.

Ngayon lang ako naka-encounter ng ganoong klase ng treatment sa buong panahon na nagtra-travel ako.

At dito ko lalong hinangaan ang pagiging cool ni Salve dahil all through out the ordeal kalmante siya, ginamit niya ang kanyang credit card para bayaran sa counter ang plane tickets namin dahil ayaw niya na mabigo ang aming Seoul trip.

Mabuti na lang, nauna si Lynette Baldivino sa Seoul at siya ang nagbantay ng booking namin sa Crown Hotel, Itaewon. Touched na touched ako kay Marian Rivera na nagsabi na huwag na kaming ma-sad, kahit siya na ang magbayad ng tickets namin.

Hindi rin nagpabaya si Alfred Vargas na nag-promise na tutulungan kami sa kaso namin kay Imee na binigyan kami ng kahihiyan sa airport dahil wala pala kaming booking? It’s sooo crazy!!!

Sabi nga ni Sara Duterte, you messed with the wrong woman, hay grabe, horror talaga.

Imagine, fake pala ang tickets ng Air Asia na ibinigay sa amin ni Imee Oro, hindi pa pala bayad ang hotel voucher, mali ang transfer coupon ng bus from hotel to airport, lahat fictitious dahil hindi pa bayad!

How did Imee Oro’s travel agency got away with all this kapalpakan na according to her, 12 years na ang operation ng kanyang agency?

Wala bang sanction sa mga ganitong o­perator lalo na sa panahong ito na pinasisigla natin ang tourism industry?

Saan kaya siya humihiram ng kakapalan ng mukha? Nasaan ang konsyensya dahil malakas ang loob niya na manloko ng kapwa? Paano kung marami na siya na nabiktima, hindi lang kami, pero walang lakas loob na magsalita at magreklamo bilang respeto kay Gani Oro? Hay naku, buti na lang cool ang weather sa Seoul kaya naiwasan na uminit ang ulo ko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with