Bagitong si Mertens pasok sa Aussie Open semis

MELBOURNE — Isang taon matapos umatras sa qualifying para sa Australian Open, umabante si Elise Mertens sa semifinals sa kanyang debut sa season-opening Grand Slam.

Ginulat ni Mertens si fourth-seeded Elina Svitolina, 6-4, 6-0 para sa kanyang 10-matches winning streak at naging unang woman player na nagmartsa sa semifinals sa Melbourne Park.

Siya ang unang Belgian netter matapos si Kim Clijsters noong 2012 na nakapasok sa semifinals ng Australian Open.

Lalabanan ni Mertens sa semis ang sinumang mananalo kina second-seeded Caroline Wozniacki at Carla Suarez Navarro.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ay matagum­pay na naidepensa ng No. 37-ranked na si Mertens ang kanyang Hobart International title at naipanalo ang kanyang pang-limang laro sa Melbourne Park.

Nauna nang tinalo ni Svitolina si Mertens sa kanilang tour-level match.

Show comments