Brownlee nagpasikat sa Indonesia

MANILA, Philippines — Humataw si Justin Brownlee ng 36 puntos upang iangat ang Tanduay-Alab Pilipinas sa 92-87 panalo laban sa Indonesia CLS Knights noong Sabado ng gabi sa pagpapatuloy ng 201718 ASEAN Basketball League sa GOR CLS Kertajaya Gym sa Surabaya, Indonesia.

Sa unang yugto pa lamang, 18 puntos na agad ang ipinasok ng Amerikanong import na si Brownlee kabilang na ang tatlong triples para sa maagang 29-18 bentahe tungo sa kanilang ika-limang pa­nalo sa siyam na laro at ibaon ang Indonesian Knights sa 1-7 win-loss kartada.

Ngunit, hindi naging magaan ang panalo ng tropa ni head coach Jimmy Alapag dahil lumamang pa ang CLS Knights ng tatlong beses ang una ay 42-40 bago nabawi nina Rico Maierhofer at Brownlee ang bentahe para sa 48-44 kalamangan sa first half.

Bukod sa league career high ng 6’7 na si Brownlee, tumipak pa ang Barangay Ginebra resident import ng walong rebounds, pitong assists at tatlong steals ang huli ay nagpa-angat sa Alab sa 69-67 pagtatapos ng tatlong yugto.

Sa kabuuan, umani ang Alab Pilipinas ng 11 triples sa kanilang mataas na 37 por­syento shooting sa three-point zone at 48 percent sa field goal mula sa 37-of-77 attempts bukod sa 23 assists kumpara sa 19 ng host team.

Show comments