AXA Philippines Youth Basketball Clinic
(Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagumpay na naidaos ng AXA Philippines, ang isa sa mga nangungunang insurance companies sa bansa, ang isang basketball clinic para sa mga batang may edad 5-anyos hanggang 13-anyos sa pakikipagtulungan sa University of Makati at Makati Youth Development Center.

Halos 40 mga bata mula sa tatlong barangay sa Makati ang lumahok sa training session na nagtapos sa isang friendly game.

Pumili ang AXA ng 10 most outstanding players mula sa grupo na kanilang susuportahan para sa Jr. NBA Philippines 2018 na inihahandog ng Alaska--ang global youth development program ng NBA na nagpo-promote ng basketball participation, sportsmanship, teamwork at active lifestyle.

Patuloy ang AXA Philippines, sa pamamagitan ng kanilang corporate social responsibility arm, sa pagsali sa mga development activities para matulungan ang mga pamayanan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with