^

PSN Palaro

Pacquiao ‘di puwedeng idemanda ng UFC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi siya ang personal na nakikipag-usap kay UFC superstar Conor McGregor, kaya hindi siya dapat idemanda.

Ito ang naging reaksyon kahapon ni Manny Pacquiao isang araw matapos balaan ni UFC president Dana White na idedemenda kung itutuloy ang negosasyon kay McGregor para sa isang boxing fight sa Abril ng 2018.

“Hindi ko naman sinagot 'yon kasi hindi naman ako ang nakikipag-usap sa kanila (McGregor) kundi 'yung ibang tao,” wika ng Filipino world eight-division champion.

Noong Nobyembre 23 ay nagposte si Pacquiao sa kanyang Twitter at Instagram account ng larawan ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at binati niya ng "Happy Thanksgiving Day".

Sinabihan din ng Senador ang Irish fighter na magpakondisyon para sa tunay na boxing match sa susunod na taon.

“May mga bali-balita lang, pero siyempre may representative si McGregor na nakikipag-usap sa representative ko,” wika ni Pacquiao, huling lumaban noong Hulyo 2 kung saan niya naisuko ang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

“But I don't know yet sa conversation nila kasi sabi nila he is willing to fight. Pero hindi pa natin alam dahil mahirap magbigay ng conclusion kung ano ang mangyayari. Hintayin na lang natin,” dagdag pa nito.

Nagbabala kamakalawa si White na idedemenda si Pacquiao o kung sinuman ang kumakatawan sa Filipino boxing icon kung makikipag-usap kay McGregor para sa isang boxing fight sa 2018.

Ayon kay White, ang 29-anyos na lightweight titlist na huling lumaban noong Nobyembre ng 2016 nang angkinin ang lightweight title mula sa isang second-round TKO win kay Eddie Alvarez ay may exclusive contract sa UFC.

Ginawa ni McGregor ang kanyang unang boxing match noong Agosto kung saan siya tinalo ni Floyd Mayweather  Jr., nauna nang nagretiro noong Setyembre ng 2015, via tenth-round stoppage.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with