_ngayon
^

PSN Palaro

SEAGF masaya sa desisyon ng Pinas na ituloy ang 2019 SEAG hosting

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ikinatuwa ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) ang desisyon ng Pilipinas na ituloy ang pagtataguyod ng 30th Southeast Asian Games sa 2019.

Ito ang inihayag ni SEA Games Federation council president HRM Yam Tunku Sri Imran kung saan masayang-masaya ang 34 miyembro ng kumite nang malaman nito ang magandang balita.

Umaasa si Sri Imran na siya ring pangulo ng Olympic Council of Malaysia (OCM) na susuporta ang buong Pilipinas upang masiguro ang matagumpay na pagtataguyod ng bansa ng Manila SEA Games.

Si Department of Fo­reign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang tatayong chairman ng SEA Games Organizing Committee katuwang sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco.

“We are so happy that despite the glitches, and only two days before this meeting, our friends in the Philippine Olympic Committee met with officials from their government to discuss and confirm to us that there are hosting the 2019 SEA Games,” ani Imran matapos ang SEA Games Federation council meeting.

Isa sa tinututukan ng SEA Games Federation council ang seguridad ng mga dadalong atleta at opisyales subalit tiniyak naman ng POC ang ma­tinding pagbabantay ng sandatahang lakas ng Pilipinas sa oras na ganapin sa bansa ang SEA Games.

Suportado ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang naturang Manila SEA Games hosting.

Pa­ngu­nahing pagdarausan ng mga laro ang Manila, Subic, Clark at Bulacan kung saan na­­katayo ang Phi­lip­pine Arena na po­sib­leng pag­da­­usan ng opening at closing ceremonies.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with