^

PSN Palaro

Valdez palalakasin ang Creamline sa kanilang semis bid vs BaliPure Chris Co

Pilipino Star Ngayon
 Valdez palalakasin ang Creamline sa kanilang semis bid vs BaliPure   Chris Co

Alyssa Valdez

MANILA, Philippines -  Magagamit agad ni four-time MVP Alyssa Valdez ang mga natutunan nito sa Japan sa oras na makaharap ng Creamline ang BaliPure sa Game 1 ng Premier Volleyball League Open Conference best-of-three semifinal series bukas sa The Arena sa San Juan City.

Galing si Valdez sa dalawang linggong trai­ning camp sa Japan kasama ang national team na naghahanda para sa Asian Seniors Women’s Championship na gaganapin sa Laguna at Southeast Asian Games na idaraos naman sa Malaysia.

Subalit wala pang linaw kung pahihintulutan ito ng national team coaching staff na makalaro sa kanyang mother club sa semis.

Dumating noong Miyerkules ang pambansang koponan kung saan nagkaroon ito ng ilang araw na pahinga bago muling tipunin ngayong araw upang ipagpatuloy ang paghahanda para sa Asian meet na magsisimula sa susunod na linggo.

Agad na nagtungo sa training venue si Valdez upang makasama ang Cool Smashers na naghahanda para sa semis.

“She (Valdez) wants to play and will show up but she doesn’t know if she will be allowed to play,” wika ng isang league official na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Tatlong beses na hindi nakalaro si Valdez sa eliminasyon subalit nagawa pa rin ng Cool Smashers na makumpleto ang 7-0 sweep para makuha ang top seeding sa Final Four.

Kaya naman sabik si Valdez na muling makasama ang kanyang mga ka­tropa lalo pa’t nasa krusyal na estado na ang torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with