Pacquiao unti-unti nang nakokondisyon

MANILA, Philippines - Pipilitin ni Freddie Roach si Manny Pacquiao na mag-ensayo nang husto sa kanyang pagharap kay undefeated Jeff Horn sa Brisbane sa July 2.

“We need progress but the thing is we still have time. It is improving and it’s getting better,” wika ni Roach sa pagtatapos ng unang linggo ng training ni Pacquiao.

Hindi kuntento si Roach sa ikinilos ni Pacquiao sa sparring session sa Elorde Gym sa Pasay City noong Martes, ngunit nakakita naman siya ng improvement noong Huwebes.

Magpapatuloy ang sparring ngayon.

“I’m going to push him every f****** day,” sabi ni Roach kay Pacquiao.

Huling lumaban si Pacquiao noong Nobyembre at kinakailangang mag-ensayo sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

“It’s not going to come overnight but I expect him to get better each time,” wika ni Roach, dumating sa bansa noong Linggo kasama si strength coach Justin Fortune.

Alam ni Roach na walang tatalo kay Pacquiao sa loob ng ring.

“I’ve never seen Manny take it easy against anyone my entire life and I don’t expect him to do it here either,” wika ni Roach.

Para paghandaan si Horn, pinanood ni Roach ang huling tatlong laban ng Australian challenger.

“I watched his last three fights and he won them all by knockout,” wika ni Roach sa laban ni Horn kina American Randall Bailey, German Rico Mueller at South African Ali Funeka.

Show comments