Gumana na si Westbrook

OKLAHOMA CITY--Natapos na ang pagkauhaw sa panalo ng Thunder sa kanilang first-round playoff series sa Western Conference ng karibal na Houston Rockets.

Nagtala si Russell Westbrook ng triple-double sa kanyang 32 points, 13 rebounds at 11 assists para ihatid ang Thunder sa 115-113 pagtakas sa Rockets at ilapit ang kanilang serye sa 1-2.

Nag-ambag si Taj Gibson ng 20 points at tumipa sina Andre Roberson at Victor Oladipo ng tig-12 markers para sa unang panalo ng Oklahoma City sa serye.

2 Sunod Sa Clippers

Sa Salt Lake City, tinalo ng Los Angeles Clippers ang Utah Jazz, 111-106 sa likod ng 32 points at 10 assists ni Chris Paul, habang kumolekta si center DeAndre Jordan ng double-double mula sa kanyang 17 points at 13 rebounds para sa 2-1 bentahe ng Los Angeles sa kanilang serye ng Utah.

Ito ang unang back-to-back wins ng Los Angeles matapos isuko ang series opener sa Utah sa kanilang balwarte.

Celtics Rumesbak Sa Bulls

Sa Chicago,  binawian ng top-seeded Boston Cel­tics ang Bulls, 104-87 para makalapit sa 1-2 sa kanilang bakbakan.

Humakot si center Al Horford ng 18 points, 8 rebounds at 6 assists, samantalang tumipa si Isaiah Thomas ng 16 markers at 9 assists para sa pagbangon ng Celtics mula sa 0-2 pagkakabaon sa Bulls.

Show comments