Cignal wawalisin ang Racal para sa korona ng D-League

MANILA, Philippines - Susubukan ng Cignal-San Beda na pormal nang masungkit ang korona sa pakikipagtuos sa Racal sa Game Two ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three championship series ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Hawkeyes at Tile Masters sa alas-4 ng hapon matapos ang awarding ceremony sa alas-3:45.

Kumapit ang Cignal sa 1-0 bentahe sa serye matapos kubrahin ang 93-85 panalo sa Game One noong Huwebes para makalapit sa inaasam na korona.

Subalit alam ni Hawkeyes mentor Boyet Fernandez na kinakailangan munang magbanat ng buto ang kanyang mga ba­­taan bago makamit ang mi­nimithing kampeonato.

“Racal is a team capa­ble of coming back. If you give Racal that kind of de­fense we had in fourth quarter, then we have a problem,” ani Fernandez na naghahangad makuha ang ika­­pitong titulo bilang coach sa liga.

Dobleng pag-iingat kasabay ng matinding depensa ang inaasahang ilalatag ng Hawkeyes upang pigilan ang Tile Masters na tiyak na magbubuhos ng malakas na puwersa upang makahirit ng ‘rubber match’.

Show comments