Famous ayaw bitawan ng Globalport

MANILA, Philippines -  Bagama’t may nakuha nang import ay hindi pa rin binibitawan ng Globalport si NBA veteran Jarrid Famous para sa darating na 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Sinabi ng Batang Pier na ang 6-foot-10 na si Famous ang kanilang magiging ‘Plan B’ sakaling hindi maganda ang ipakita ng import na si Sean Williams, nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw.

Si Williams ay ang No. 17 pick ng New Jersey no­ong 2007 NBA draft at naglaro para sa Nets, Dallas Mavericks at Boston Celtics.

Hawak pa rin ng Globalport ni head coach Franz Pu­maren ang playing rights ni Fa­mous.

Kamakailan ay kinuha ng Phoenix ang serbisyo ni Famous, nagposte ng mga averages na 30.2 points at 23 rebounds sa siyam na laro para sa Batang Pier noong 2015 Governors’ Cup.

Dahil sa pagkakadiskaril sa kanilang pagkuha kay Famous ay muling hinugot ng Fuel Masters si 6’5 Eugene Phelps bilang standby import.

Ang iba pang balik-imports ay sina Justin Brownlee (Barangay Ginebra), James White (Mahindra), Wayne Chism (NLEX), Denzel Bowles (TNT Katropa) at Shawn Taggart (Rain or Shine).

Show comments