Mga paborito sinorpresa ni Whitehouse sa Stage 1

SORSOGON City, Philippines - Inangkin ni Great Britain rider Daniel Whitehouse ng Malaysia-based Terengganu Cycling Team ang Le Tour de Filipinas Stage One na gumitla sa mga pre-race favorites na kinabibilangan ng mga dating kampeong sina Mark Galedo ng Philippines at Thomas Lebas ng France.

Nagsumite si Whitehouse ng bilis na tatlong oras, 56 minuto at 16 segundo para kunin ang 164.50-kilometer stage na nagsimula sa Legaspi City at nagtapos dito.

Isinuot ng 22-anyos na Briton ang yellow jersey na simbolo ng general classification (GC) leader ng karerang inihahandog ng Air21.

Nakamit din ni Whitehouse ang Sprint, King of the Mountain at Best Young Rider (Under-23) honors.

“‘I’m not good at sprints, so I waited for the climb and made my move,” wika ni Whitehouse, mag-isang tinawid ang finish line ng event na itinataguyod ng Petron at UPS bilang principal sponsors at Philippine Airlines bilang official airline partner.

Dadalhin ni Whitehouse sa 177.35-km Sorsogon-Naga City Stage Two ang kanyang isang minuto at 51 segundong kalamangan sa puma­nga­lawang si Australian Benjamin Hill (Attaque Team Gusto), inunahan sa finish line sina Japanese Ryu Suzuki (Bridgestone Cycling Team) at Spaniard Salvador Guardiola (Team Ukyo).

 

 

 

Show comments