Pacquiao kontra Mcgregor

Kelan ba naman umurong si Manny Pacquiao sa laban?

 Kahit nga sila Oscar dela Hoya o Antonio Margarito na halos isang dangkal ang taas sa kanya at mas malalapad ang katawan eh nilabanan niya.

 Si Conor McGregor pa!

 Teka nga muna, si Conor McGregor ba na UFC su­perstar mula sa Ireland?

 Oo.

 Ayon sa ulat ng Fox Sports, handa raw labanan ni Pacquiao si McGregor, ang mabagsik na UFC fighter na akala mo ay lalapain ang kalaban.

 Bakit naman pumasok si McGregor sa usapan.

 Eh pano nga, matagal na rin napabalita na hinamon ni McGregor si Floyd Mayweather, Jr. sa isang bo­xing match.

 May mga sumakay sa balita. May mga nagsabi naman na circus ang kalalabasan nito.

 Parang ang naganap na boxing match o exhibition match nila NBA superstar Shaquille O’Neal at Dela Hoya pinalabas sa TV noong 2009.

O kaya naman ay ang laban nila Rocky Bal­boa at wrestler na si Hulk Hogan sa pelikula.

 Ganyan ang kalala­ba­san ng laban na ito kung matuloy man.

 Pero seryoso man o hindi, pinakita lang ni Pac­quiao na hindi rin ni­ya uurungan si McGregor sa laban.

Basta raw boxing match ang laban at bo­xing rules ang gagamitin.

 Marunong din naman tumapon ng suntok si McGregor, 28 anyos at 5-foot-9, at madami na rin siyang napatumba sa isang suntok.

 Kaya lang, iba ang style ng UFC fighter.

Iba ang training. Iba ang diskarte.

 Kung boxing ang la­banan, mahihirapan siya kay Pacquiao.

 Basta walang sipaan, sikuhan at sakalan, kay Pacquiao ako dito.

 “Basta boxing lang,” sabi ni Pacman.

Show comments