Pacquiao hindi uurungan si McGregor sa boxing ring

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kagaya ng retirado nang si world five-division champion Floyd Maywea­ther Jr., payag din si Manny Pacquiao na labanan si UFC superstar Conor McGregor.

Ngunit hindi sa loob ng UFC octagon kundi sa iba­baw ng boxing ring.

“In boxing? In boxing I would fight McGregor but not in UFC, just boxing,” sa­bi ng 38-anyos na si Pacquiao sa panayam ng Fox Sports Australia.

Ilang report ang naglabas ng pagpayag ni May­wea­ther, nagretiro noong Seytembre ng 2015, na la­banan si McGregor sa isang boxing match.

Ngunit ito ay kung ba­bayaran siya ni UFC president Dana White ng $100 milyon.

Inalok ni White si Mayweather ng $25 milyon pa­ra makipagsuntukan kay McGregor.

Ito ay pinagta­wanan lamang ng American legend na kumita ng $300 milyon sa kanilang super fight ni Pacquiao noong Mayo ng 2015.

Hindi naman sineser­yoso ni Pacquiao ang na­sa­bing laban nina Maywea­ther at McGregor.

“I don’t know if they are taking it seriously. It’s on the news but I don’t know if it will happen,” wika ni Pacquiao.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Or­ganization welterweight crown kay Australian challenger Jeff Horn sa Abril.

Hanggang ngayon ay hindi pa napapanalisa ang prize money nina Pacquiao at Horn pati na ang petsa at venue.

FLOYD MAYWEA­THER JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with