^

PSN Palaro

Mbala, Teng pamumunuan ang Mythical 5 ng Collegiate Awards

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mbala, Teng pamumunuan ang Mythical 5 ng Collegiate Awards
Ben Mbala, Jeron Teng

MANILA, Philippines - Babanderahan nina Ca­meroonian center Ben Mbala at Jeron Teng ng De La Salle University ang Collegiate Mythical Five sa gaganaping Collegiate Basketball Awards sa Enero 26 sa Montgomery Place Social Hall sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Makakasama ng dalawa sina Allwell Oraeme ng Mapua Institute of Techno­logy, Javee Mocon ng San Beda College at Jio Jalalon ng Arellano University na tu­nay na nagpamalas ng hu­say sa nakalipas na sea­son.

Isa sa Mythical Five mem­bers ang tatanghaling Smart Player of the Year.

Nauna nang pinanga­la­nan sina Aldin Ayo at Ja­mike Jarin bilang Coa­ches of the Year matapos tu­lungan ang La Salle at San Beda na makuha ang kampeonato sa kani-ka­nilang liga.

Si Mbala ang itinanghal na UAAP Season 79 Most Va­luable Player, habang na­kuha naman ni Teng ang Finals MVP plum.

Rumatsada sina Mbala at Teng nang gibain ng Green Archers ang Ateneo Blue Eagles sa finals para masungkit ang ikasiyam na korona sa liga.

Tinapos ng La Salle ang season tangan ang ma­tikas na 16-1 rekod.

Sa kabilang banda ay na­kuha naman ni Oraeme ang ikalawang sunod na MVP award sa NCAA.

Tinulungan din nito ang Cardinals na makabalik sa Final Four.

Malaki rin ang kontri­busyon ni Mocon para sa ta­gumpay na tinamasa ng Red Lions.

Pinataob ng San Be­da ang Arellano sa finals no­ong Oktubre para maibalik sa Mendiola ang korona ng NCAA.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Jalalon na ti­nulungan ang Chiefs na ma­kapasok sa finals ng da­lawang beses sa tatlong seasons.

Kasalukuyan nang nag­lalaro si Jalalon sa PBA.

vuukle comment

MBALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with