Isang mahirap na fall-away jumper ang ginawa ni Rain or Shine Elasto Pain­ters’ center Beau Belga para matakasan ang depensa nina William Wilson at Nolbert Torres ng Phoenix Fuel Masters.
Jun Mendoza
Rain or Shine sinolo ang 2nd place
ARANGKADA - Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2017 - 12:00am

Hodge pinagmulta ng P20k dahil sa flagrant foul penalty 2 kay Cabagnot

MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng bagong taon ay panalo ang gustong maitala ng Elasto Painters.

Pinangunahan ni guard Jericho Cruz ang arangka­da ng Rain or Shine sa second half para gibain ang Phoenix,  97-82, at angkinin ang ikalawang quarterfinals berth sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumipa si Cruz ng 21 points, kasama dito ang 5-of-9 shooting sa three-point range, habang nagdagdag sina Jeff Chan at two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa pang-limang panalo ng Rain or Shine sa pitong laro.

Pinamunuan naman ni Fil-Canadian roookie Matthew Wright ang Phoenix, may 4-4 record ngayon ka­tabla ang Blackwater sa pang-limang posisyon, sa kanyang 26 points.

Nagdagdag sina JC Intal at John Wilson ng tig-10 points.

“We just needed to start the year with a win,” sabi ni Elasto Painters’ coach Caloy Garcia. “Credit was to the players because they stepped up. I told them we shouldn’t rely on just one player. We needed to rely on the team.”

Ang tinutukoy ni Garcia ay sina Don Trollano at Ronnie Matias na nag-ambag ng 9 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Naglaro ang Elasto Painters na wala sina center Raymond Almazan (foot injury) at big guard Gabe Norwood (viral infection).

Kinuha ng tropa ni Garcia ang 21-point lead, 66-45, mula sa dalawang free throws ni rookie guard Mike Tolomia sa 6:37 minuto ng third period.

Bumandera naman si Wright sa fourth quarter kung saan niya inilapit ang Fuel Masters sa 72-81 sa gitna ng nasabing yugto.

Ngunit nagsalpak si Cruz ng tatlong triples sa lo­ob ng 52 segundo para mu­ling ilayo ang Rain or Shine sa 89-74.

Samantala, pinagmulta naman si Fil-Am power forward Cliff Hodge ng P20,000 matapos itaas sa flagrant foul penalty 2 ang kanyang hard foul kay Alex Cabagnot sa laro ng Meralco at San Miguel noong Disyembre 28.

Ang resulta ng nasabing hard foul ni Hodge kay Cabagnot sa third period ay ang depressed nasal injury ng veteran playmaker.

Rain or Shine 97 – Cruz 21, Chan 12, Yap 10, Tolomia 9, Trollano 9, Washington 9, Matias 8, Ahanmisi 8, Tiu 6, Ponferada 3, Belga 2, Maiquez 0.

Phoenix 82 – Wright 26, Intal 10, J. Wilson 10, Alolino 8, Baguio 8, Bor­boran 7, Torres 5, Enciso 3, Hayes 3, Caperal 2, W.Wilson 0, Lanete 0.

Quarterscores: 30-20, 53-45, 78-61, 97-82.

ELASTO PAINTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with