Barnachea mamumuno sa Ronda qualifier

MANILA, Philippines - Babanderahan ni Santy Barnachea ang grupo ng mga siklistang maghaha­ngad na makalahok sa LBC Ronda Pilipinas 2017 edition.

Ipapadyak ang una sa da­lawang qualifying races sa Linggo sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Zam­bales City.

Sina Merculio Ramos, Alfie Catalan, Cris Joven, Mark Julius Bordeos at Alvin Be­nosa ang babandera sa Army, habang itatampok ng Navy, nagdomina sa nakarang edisyohn ng Ronda na itinataguyod ng LBC, ang bagong hugot na si Jay Lampawog.

Si Barnachea, naghari sa una at pang-limang edis­yon ng six-year old race, ay naging bahagi ng 85-man field na nagpalista sa one-stage, 101-kilometer race, na pakakawalan sa Lighthouse Hotel at magtatapos sa Fo­rest View Park sa SBMA.

Ang top 30 cyclists ang makakaabante sa main race, naghahanay ng prem­yong P1 milyon para sa magkakampeon mu­la sa LBC at mga major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen at may basbas ng PhlCycling, na na­katakda sa Pebrero 4 hanggang Marso 4 ng su­su­nod na taon.

Show comments