Tornadoes niyanig ang Lady Troopers

Pinagtulungang i-blocked nina Lourdes Clemente at Jowie Verzosa ng Amy’s ang kill ni Cherry May Vivas ng Cignal sa PSL All-Filipino Conference.

MANILA, Philippines - Ginulantang ng Grand Prix champion Foton ang four-time titlist RC Cola-Army, 18-25, 25-15, 25-17, 23-25, 15-9, upang masungkit ang unang panalo sa second round ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament kagabi sa La Salle Lipa Sentrum sa Batangas.

Umangat sa 1-0 ang Tornadoes habang bagsak sa 0-2 ang Lady Troopers.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Lady Troo­pers matapos lumasap ng kambal na pagyuko sa kamay ng F2 Logistics.

Pinangalanan naman si PSL Ambassador Mika Reyes ng F2 Logistics bilang ikapito at huling miyembro ng Magic 7 na maglalaro sa FIVB Women’s Club World Championship na gaganapin sa Oktubre.

Makakasama ni Reyes sa PSL All-Star Team sina Kim Fajardo ng F2 Logistics, Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army, Jen Reyes at Ces Molina ng Petron, at Jaja Santiago ng Foton.

Sa unang laro, nakabangon ang Cignal sa malamyang panimula bago itakas ang 14-25, 25-27, 25-13, 25-14 panalo laban sa Amy’s Kitchen.

Pumalo si Cherry May Vivas ng 10 kills habang may tigsi-siyam sina Jannine Navarro, Carmela Tunay at Jeanette Panaga, at 23 excellent sets mula kay Djanel Cheng para sa HD Spikers na nakabawi mula sa masaklap na kabiguan sa Generika.

Naikonekta ng HD Spi­kers ang 1-1 rekord sa Group B kung saan kinakailangan nitong manalo sa Standard Insurance-Navy upang makapaglaro sa battle-for-fifth sa classification phase.

Show comments