Petron nagpatibay sa 3rd spot

Hindi nagkaamuyan ang magkakamping sina Cindy Imbo at Marijo Medalla ng Army.

MANILA, Philippines - Magarbong tinapos ng nagdedepensang Petron ang unang yugto ng eliminasyon matapos gibain ang Standard In­surance-Na­vy, 25-16, 25-18, 25-19, kahapon sa 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Confe­rence women’s vol­ley­ball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nasungkit ng Tri-Activ Spikers ang pang-limang pa­­nalo para kapitan ang ikat­long puwesto tangan ang 5-2 marka.

Lumubog naman ang Standard Insurance-Navy sa 2-5 baraha.

Nagbalik ang bangis ni Aiza Maizo-Pontillas nang humataw ng 15 puntos, habang may 13 si Maica Mo­rada at sina  Remy Palma, Ber­nadeth Pons at Ces Mo­lina ay pumalo ng tig-9 pa­ra Petron.

Nagpasiklab rin si FIVB World Club Women’s Championship-bound Jen Reyes na nagtala ng 15 digs at 15 excellent receptions para sa Petron.

Sa unang laro, mabilis na pinataob ng Cignal ang Amy’s Kitchen, 25-21, 25-12, 25-21, upang ma­sa­yang tapusin ang eliminasyon hawak ang 2-5 re­kord.

Sumandal ang HD Spi­kers kay College of St. Benilde standout at NCAA’s best blocker Jeannette Pa­­naga na nagpakawala ng 18 puntos, habang nag­dag­dag si Cherry May Vivas ng 10 puntos.

Hindi kuntento si Cignal coach Sammy Acaylar sa inilaro ng kanyang tropa na bigong makapasok sa Final Four at tuluyang nalaglag sa classification round kung sa­an ika-limang puwesto la­mang ang pinakamataas nitong maaabot.

Lumasap ng ika-pitong sunod na kabiguan ang Amy’s para samahan ang Cignal, Standard Insu­rance-Navy at Generika sa classification phase.

Show comments