UAAP volley hahataw na Lady Eagles sisimulan na ang depensa sa titulo
(Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sisimulan ng Ateneo de Manila University ang tangka nitong three-peat sa pakikipagtuos sa National University ngayong hapon sa paglarga ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magku-krus ang landas ng Lady Eagles at Lady Bulldogs sa alas-4 ng hapon.

Nais ni two-time Most Valuable Player Alyssa Valdez na magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang kanyang collegiate career kaya’t inaasahang ibubuhos nito ang kanyang buong lakas upang maisa­katuparan ang inaasam na tagumpay.

Ngunit hindi ito magagawa ni Valdez kung wala ang tulong nina Season 77 Finals MVP Amy  Ahomiro, Joanna Maraguinot, Bea de Leon at setter Jia Morado habang mu­ling gagabayan ang Lady Eagles ni Thai Anusorn “Tai” Bundit.

Sa kabilang banda, target ng Lady Bulldogs na tuldukan ang kanilang anim na dekadang pagkauhaw sa titulo.

Sasandalan ng tropa sina Jaja Santiago at Myla Pablo na naging miyembro ng women’s national team na naglaro sa Asian Under-23 Women’s Volleyball Championship noong nakaraang taon na ginanap sa Manila.

Aasahan din ng grupo si Ivy Perez na malaki ang natutunan sa kanyang pag­lalaro sa Philippine Superliga Grand Prix kung saan itinanghal itong Best Setter. Bahagi sina Santiago at Perez ng Foton Tornadoes na nagkampeon sa natu­rang kumperensiya.

“As of now, okay naman sila as a team. Kaila­ngan lang naming maglaro ng tama, magtugma ang galaw ng spikers at setter namin para manalo,” wika ni NU head coach Roger Gorayeb na nagmamay-ari ng Grand Slam title sa Shakey’s V-League.

Magtatagpo naman sa unang laro sa alas-2 ang University of the Philippines at University of the East habang maghaharap sa men’s division ang Far Eastern University at UP sa alas-8 ng umaga kasunod ang duwelo ng Ateneo at University of Santo Tomas sa alas-10.

 

ACIRC ANG ASIAN UNDER ATENEO BEST SETTER FAR EASTERN UNIVERSITY FOTON TORNADOES GRAND SLAM IVY PEREZ LADY BULLDOGS LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with