^

Bakers pakay ang liderato vs Bulldogs

(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Target ng Cafe France na makisalo sa maagang liderato sa pakikipagtipan sa BDO-National University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Ba­kers at Bulldogs sa unang laro sa alas-2 habang masisilayan naman ang bakbakan ng Wangs Basketball at Mindanao Aguilas sa alas-4.

Naitala ng Cafe France ang kanilang unang panalo matapos iselyo ang 89-65 pananaig laban sa Min­da­nao Aguilas.

Subalit hindi pa rin kuntento si Cafe France coach Egay Macaraya sa ipinamalas ng kanyang bataan na naglista ng 13 turnovers sa first quarter.

“Gustong maging agresibo ng lahat kaya na­ging out of control. Hopefully, maka-adjust kami since first game pa lang naman,” ani Macaraya.

Sa kanilang ikalawang laro, umaasa si Macaraya na mas magiging solido ang kanyang koponan na binubuo ng mga beterano at baguhang manlalaro mula sa CEU. 

ACIRC AGUILAS CAFE FRANCE D-LEAGUE ASPIRANTS EGAY MACARAYA MACARAYA MINDANAO AGUILAS NATIONAL UNIVERSITY PASIG CITY WANGS BASKETBALL YNARES SPORTS ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with