^

MVP: Gilas nalagay sa malakas na kalaban

(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

MIES - Makakatapat ng Pilipinas ang France at New Zealand sa group stage ng FIBA Olympic qualifiers sa Mall of Asia (MOA) Arena sa July 4-10 kung saan hangad nilang magtapos bilang first o second placer para makapasok sa semifinals at mapalakas ang tsansang makalaro sa Rio Olympic Games.

“We’ve got strong teams in our group,” wika ni SBP president  Manny V. Pangilinan.  “We’ll have our hands full.  We’d better start thinking of the best players we can get our hands on against these five formidable teams.  This is going to be one hell of a ride for Gilas and our country.”

Nagsagawa ang FIBA ng isang modified draw sa House of Basketball at hinati sa tig-anim ang 18 participating teams sa tatlong qualifying tournaments.

Maliban sa Pilipinas, ang dalawa pang tumata­yong host countries ay ang Serbia at Italy.

“It’ll be a challenge for us to get through but with our Sixth Man, the world’s Most Valuable Fans, anything can happen,” ani SBP executive director Sonny Barrios na sumaksi sa draw.

Si FIBA sport and competitions director Predrag Bogosavljev ang namahala sa draw kasama rin ang Olympic qualifiers para sa women’s division.

Ang 18 teams sa men’s qualifiers ay hinati sa anim na pots base sa quality at geographical principles.

Ang naging susi sa pagpili sa mga koponan ay sa kanilang naging  kampanya sa continental championships noong nakaraang taon.

Para maging balanse ang kompetisyon ay inilagay ni Bogosavljev ang18 countries sa anim na “pots” na may tig-tatlong koponan.

Ang first pot ay kinabibilangan ng France, Serbia at Greece, ang second pot ay binubuo ng Italy, Czech Republic at Canada, nasa third pot ang Pilipinas, Iran at Japan, nasa fourth pot ang Angola, Tunisia at Senegal, ang fifth ay binubuo ng Latvia, Croatia at Turkey at nasa sixth pot ang Mexico, Puerto Rico at New Zealand.

Para sa Belgrade tournament, ang mga Group A ay ang No. 1 Serbia, No. 2 Angola at No. 3 Puerto Rico, habang nasa Group B ang No. 1 Japan, No. 2 Czech Republic at No. 3 Latvia.

Para sa Manila tournament, ang Group A ay binubuo ng No. 1 Turkey, No. 2 Senegal at No. 3 Canada, samantalang nasa Group B ang No. 1 France, No. 2 New Zealand at No. 3 Philippines.

Para sa Turin tournament, ang Group A ay ang No. 1 Greece, No. 2 Mexico at No. 3 Iran at kasama sa Group B ang No. 1 Tunisia, No. 2 Croatia at No. 3 Italy.

Base sa draw, ito ang magiging schedule para sa group stage sa Manila tournament.

July 5--Turkey vs Ca­nada; France vs  Phi­li­ppi­nes. July 6--Canada vs Se­negal; Philippines vs New Zealand. July 7--Senegal vs Turkey;  New Zealand vs France.  Ang July 8 ay isang rest day at kinabu­kasan ay itinakda ang dalawang semis match kasunod ang finals sa July 10.

Tanging ang tatlong magkakampeon sa tatlong torneo ang makakapaglaro sa Rio Olympics sa Agosto.

Sinabi ni FIBA director of communications Patrick Koller na para makapasok ang Pilipinas sa Rio Olympics ay kailangan nitong talunin ang France, Turkey, New Zealand at Canada.

ACIRC ANG CZECH REPUBLIC GROUP GROUP A GROUP B NBSP NEW ZEALAND PARA PILIPINAS PUERTO RICO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with