Ladon pumuwesto sa No. 4, Petecio tumalon sa No. 2 sa AIBA world rankings

(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Inokupahan ni Asian Championships silver medalist Nesthy Petecio ang ikalawang puwesto sa women’s featherweight (57 kgs.) ng International Boxing Association (AIBA) world rankings.

Lumikom ang 23-anyos na si Petecio ng kabuuang 988 puntos makaraang tumapos sa ikalawang puwesto sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore at 2015 Asian Boxing Confederation Championships sa China.

Nakasiguro rin ito ng gintong medalya sa 2015 Indonesia President’s Cup sa Indonesia subalit walang puntos ang ibinigay sa naturang palaro dahil wala itong basbas ng AIBA.

Noong 2014, nakapag-uwi rin ng pilak na medalya si Petecio sa prestihiyosong World Women’s Bo­xing Championship sa Jeju, South Korea kung saan natalo ito kay Russian Zinaida Dobrynina.

Si Dobrynina ang kasalukuyang world No. 1 tangan ang 1,700 puntos habang nasa ikatlo si Ita­lian Alessia Mesiano na may 950 puntos kasunod si Tiara Brown ng United States (850), Oh Yeonji ng South Korea (500), Svetlana Staneva ng Bulgaria (400), Maryna Malovana ng Ukraine (300), Taynna Santos Cardoso ng Brazil (250), Lara Garcia ng Spain (200) at Florencia Juarez Romero ng Argentina (150).

Sa kabilang banda, nasa ikaapat na puwesto si World Championships bronze medalist Rogen Ladon sa men’s light flyweight (46-49 kgs.) matapos humakot ng 1,050 puntos.

Maliban sa kanyang tanso sa AIBA World Bo­xing Championships sa Qatar, nagbulsa rin si Ladon ng pilak sa Singapore SEA Games.

Nangunguna sa natu­rang dibisyon si reigning world champion Joahnys Argilagos Perez ng Cuba na may 1,900 puntos kasunod sina Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan (1,700) at Vasilii Egorov ng Russia (1,300).

Pasok sa Top 10 sina Dmytro Zamotayev ng Ukraine (895), Gan Erdene Gankhuyag ng Mongolia (850), Brendan Irvine ng Ireland (850), Joselito Velazquez Altamirano ng Mexico (770), Hasanboy Dusmantov ng Uzbekistan (750) at Shin Jonghun ng South Korea (700).

Ika-16 naman si Charly Suarez sa men’s lightweight, ika-24 si Olympian Mark Anthony Barriga sa men’s light flyweight, ika-27 si Mario Fernandez sa men’s bantamweight at ika-58 si Ian Clark Bautista sa men’s flyweight.

ACIRC ALESSIA MESIANO ASIAN BOXING CONFEDERATION CHAMPIONSHIPS ASIAN CHAMPIONSHIPS BIRZHAN ZHAKYPOV BRENDAN IRVINE CHARLY SUAREZ DMYTRO ZAMOTAYEV FLORENCIA JUAREZ ROMERO GAN ERDENE GANKHUYAG SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with