Samboy Lim Bill tatalakayin sa PSA

MANILA, Philippines – Ang tungkol sa Samboy Lim Bill ang pag-uusapan ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Mangunguna sa pagtalakay sa nasabing panukala na ipinangalan sa basketball great na si Lim, nalagay sa coma matapos atakihin sa puso sa kalagitnaan ng isang exhibition game noong nakaraang taon, sina Philippine Heart Association Council chairman Francis Lavapie at member Regidor Encabo.

Si Pampanga 1st District Representative at Rain or Shine head coach Yeng Guiao ang author ng Samboy Lim Bill na kilala rin bilang House Bill 5891.

Dadalo rin sa sesyon na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ang mga opisyales ng Gob. Obet Pagdanganan Cup darts tournament na sina president Willy Uy at Edgardo Jose, ang vice president at chairman ng Rotary Community Corps.

Show comments