Cotto, Alvarez nangako ng magandang laban

LAS VEGAS – Nangako sina Miguel Cotto at Canelo Alvarez na hindi madidismaya ang bawat boxing fans na manonood ng kanilang laban ngayon sa Mandalay Bay Event Center.

Walang maitatayang korona si Cotto (40-4-0, 33 KOs) matapos siyang tanggalan ng World Boxing Council ng middleweight crown dahil sa hindi pababayad sa sanctioning fee para sa laban kay Alvarez (45-1-1, 32 KOs).

Kung mananalo si Alvarez ay sa kanya mapupunta ang nabakanteng WBC belt ni Cotto.

“This fight sells itself. Everybody should know what to expect from Canelo and what kind of fight they can ex­pect  from  me,” sabi ni Cotto, sinasanay ni Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Bahagi ng boxing card ang laban nina Filipino con­tender Drian Francisco (28-3-1, 22 KOs) at Cuban sensation Guillermo Rigondeaux (15-0-0, 10 KOs) na mag­tutuos sa isang non-title fight.

Show comments