Poligrantes ibinangon ang Realtors

Laro sa Nov. 3

(Marikina Sports Center)

7 pm Austen Morris

Associates vs PCU

8:30pm Flydragons

Logistics vs FEU-NRMF

 

MANILA, Philippines – Tumapos si Eluid ‘Eloy’  Poligrantes ng 29 puntos para ihatid ang dating kampeon Sta. Lucia Land Realtors sa unang panalo nang igupo ang Power Innovation Philippines, 95-88 noong  Huwebes ng gabi sa 5th DELeague Bas­ketball Tournament sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Lumabas ang tikas ni Poligrantes sa huling 1:38 minuto ng first period nang mula sa 40-deadlock, pinasimulan niya ang 7-0 bomba upang iwanan ang kalaban na hindi na binitiwan pa ang trangko.

Lalong naging maba­ngis ang Realtors nang makipagtulungan si Polig­rantes kina ex-PBA pla­yers Gerry Esplana, Francis ‘Kiko’ Adfriano at Warren Ybañez para ipalasap sa Power Innovation Philippines ang kanilang kabiguan.

Nagdagdag ng 22 puntos ang import ng Sta. Lucia na si Victor Jean.

Samantala, natikman ng Mindanao Agilas ang kanilang ikalawang pagkatalo nang pabagsakin ang Metro Pacific Toll Corporation, 83-76 sa isa pang laro.

Magbabalik ang ligang itinataguyod ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at Mr. and Mrs. Dot Escalona sa Martes .

Show comments