HD Spikers, Airmen babasagin ang liderato

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

3 p.m.  Sta. Elena

vs PLDT Home Ultera

5 p.m.  Cignal vs Air Force

 

MANILA, Philippines – Solo-Liderato ang pag­labanan ng Cignal HD Spikers at Air Force Airmen habang babawi ang Open Conference champion PLDT Home Ultera Fast Hitters sa pagkatalo sa pagpapatuloy ng Spikers’ Turf Reinforced Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikalawang laro dakong alas-5 ng hapon magsisimula ang tagisan ng HD Spikers at Airmen at ang mananalo ang magsosolo sa itaas ng team stan­dings sa hanay ng anim na koponan.

Nailagay ng Cignal ang sarili bilang isa sa lalaban sa titulo nang pataubin nila ang PLDT sa 25-21, 25-21, 25-19 straight sets panalo.

Sina Lorenzo Capate, Edward Yba-ez at Edmar Bonono ay naghatid ng 15, 10 at 10 puntos habang si Sandy Montero ay may 11 digs para sa magandang panimula.

Ang kanilang tikas ay masusukat ng Airmen na umani ng 25-19, 25-27, 25-22, 25-20 tagumpay  sa Instituto Estetico Manila sa huling laro.

Show comments