Gilas tumawid sa 2nd round ng FIBA Asia

MANILA, Philippines – Pasok sa susunod na round ang Gilas Pilipinas matapos lampasuhin ang Kuwait, 110-64,sa elimination round ng 2015 FIBA Asia Men's Championship sa Hunan, China

Tinapos ng Gilas ang first round ng liga hawak ang 2-1 win-loss record.

Makakasama sa Group E ng Pilipinas ang defending champion Iran, Japan, India, ang nakatalo sa kanilang Palestine at dinurog nila kahapon na Hong Kong.

Madadala sa susunod na round ang kanilang mga ipinanalo maliban sa nalaglag na koponan tulad ng Kuwait kaya naman tangay nila ang 1-1 slate.

PInangunahan ni Terrence Romeo ang Pilipinas sa kaniyang 19 markers, habang hindi naman nagkulang sa suporta sina Jason Castro, JC Intal at Calvin Abueva sa pinagsamang 36 markers.

Kinakailangang manatili sa top 4 ng group E ang Gilas upang makatawid sa quarterfinals na knockout ang format.

 

 

Show comments