_ngayon
^

Ubos ang Pinoy sa WPA

AT (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Tinakasan ng suwerte si Dennis Orcollo para magwakas na ang kampanya ng Pilipinas sa 2015 World 9-Ball Championship na nagtapos kahapon sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Tinalo pa ng kasaluku­yang World 8-Ball champion na si Orcollo sina Hunter Lombardo ng USA, 11-7, at Darren Appleton ng England,11-2 sa Last 32 at Last 16 para sa isang panalo upang umusad sa semis.

Pero sa knockout  match nila ni Shane Van Boe­ning ng USA ay na­ngapa si Orcollo sa kanyang sargo habang solid ang ipinakita ng katunggali para lasapin ng SEA Games gold meda­list ang di inaasahang 1-11 pagkatalo.

Bago ito ay naunang namaalam sina Oliver Medenilla at Warren Kiam­co nang hindi kinaya ni Medenilla si Chang Yu-lung ng Chinese Taipei, 4-11, habang bigo si Kiam­co na maipaghiganti ang kababayang si Carlo Biado kay Ko Pin-yi ng Taipei sa tinamong 9-11 kabiguan.

Bago nakaharap si Kiamco ay pinagpahinga muna ng World 10-ball champion na si Ko si Biado sa 11-4 iskor.

Si Ko ay umabante sa semifinals kasama ang na­ka­babatang kapatid na si Ko Pin-chung bukod kina Boening at Wu Jia-qing  ng China.

Pakay ng magkapatid na Ko at Boening ang kauna-unahang World 9-Ball title habang si Wu ay magtatangka sa kanyang ikalawang kampeonato matapos dominahin ang 2005 noong naglalaro pa siya para sa Chinese Taipei.

Itinatag ang kompetis­yon noong 1990, ang Pilipinas ay may tatlong world 9-ball champions at ito ay sina Efren “Bata” Reyes noong 1999, Ronato “Volcano” Alcano noong 2006 at Francisco “Djangco” Bustamante noong 2010.

Sina Alcano at Antonio Gabica ay nakapasok sa Finals noong 2011 at 2013 pero natalo sila kina Yukio Akagariyama ng Japan at Thorsten Hohmann ng  Germany.

ACIRC AL ARABI SPORTS CLUB ANG ANTONIO GABICA BALL CHAMPIONSHIP BOENING CARLO BIADO CHANG YU CHINESE TAIPEI KO PIN SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with