Manila North bigo sa NoviSad sa FIBA 3x3

Sina SBP executive director Sonny Barrios at SBP president Manny V. Pangilinan kasama ang nagkampeong NoviSad. Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Pinangatawanan ng top seed at World champion NoviSad AlWahda ng United Arab Emirates ang kanilang pagiging kampeon nang angkinin ang 2015 FIBA 3x3 World Tour Ma­nila Masters title mula sa 21-14 panalo sa Mani­la North kahapon sa Ro­bin­­son’s Place sa Ermita, Ma­­nila.

Unang nakapuntos si Vic Manuel pero rumatsa­da ng pitong sunod na puntos ang dayuhang koponan para sa 7-3 kalamangan.

Lumawig sa 19-8 ang No­viSad matapos ang tatlong buslo ni Dejan Majsto­rovic upang magawa nila ang hindi nagawa ng Doha Qatar noong nakaraang taon, ang manalo sa liga na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at suportado pa ng Smart, PLDT, Maynilad, MVP Sports Foundation at Wilson.

Para maabot ang finals, nanaig ang NoviSad sa Auckland New Zealand, 21-10, sa quarterfinals at sa Doha Qatar, 20-18, sa se­mifinals.

Bigo mang mapanati­li ang korona sa Pilipinas, ma­saya pa rin ang grupo ni­na Manuel, Calvin Abueva, Troy Rosario at Karl Dehesa dahil makakasama ni­la ang NoviSad sa World Tour Finals sa Abu Dahbi sa Oktubre 15 at 16.

Nakuha ito ng koponan nang magwagi sa Kobe Japan, 21-19, bago isinunod ang nagdedepensang Manila West nina Terrence Ro­meo, Niño ‘KG’ Canaleta, Rey Guevarra at Aldrech Ra­mos, 21-18.

Hinirang si Romeo bi­lang MVP at nagkampeon sa 3-Point Shootout Com­pe­tition.

Show comments