Gems giniba ang Mixers, nagsolo sa itaas

MANILA, Philippines - Sinolo ng Cebuana Lhuillier ang liderato nang pabagsakin ang KeraMix, 95-88, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sinabayan ito ng pagpapasikat ng MP Hotel nang naalpasan ang Caga­yan Vallley, 107-106, sa ika­lawang laro.

Bumangon ang Warriors mula sa 16 puntos pagkakalubog sa ikatlong yugto, 70-54, at nanalo nang naisalpak ni Rey Nambatac ang triple sabay tunog ng final buzzer.

May  24 puntos si Moala Tautuaa at 19 rito ay kan­yang  ginawa sa first half para bigyan ang Gems ng 55-25 kalamangan.

Nalimitahan sa second half ang 6’7 rookie center pero pumalit sina Simon Enciso, Paul  Zamar at Allan Mangahas para umakyat pa sa 3-0 ang tropa ni coach David Zamar.

May 24 puntos si Enciso, 21 rito ay sa 3-poin­ters, habang sina Zamar at Mangahas ay naghatid ng 13 at 11 puntos.

Natapos ang dalawang magagandang panalo ng Mixers sa pangyayaring ito. (AT)

Show comments