6 South Luzon kids pasok sa National Training Camp ng Jr. NBA/WNBA Philippines

Nasa larawan ang South Luzon Jr. NBA at Jr. WNBA finalists kasama si head coach Chris Sumner.

MANILA, Philippines – Anim na batang players – apat na lalaki at dalawang babae mula sa Laguna, Batangas at Cavite -- ang nanguna sa Regional Selection Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 na inihahandog ng Alaska sa Biñan, Laguna noong Linggo sa University of Perpetual Help System .

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na nagtungo ang Jr. NBA/ Jr. WNBA sa Biñan.

Ang apat na Jr. NBA players na nakapasok sa National Training Camp, idaraos sa PICC Forum sa Roxas Boulevard, Manila sa Abril 24-26, ay sina Karl Georg Clauss ng De La Salle University STC sa Sta. Rosa; Joshua Yvan Garing ng De La Salle Lipa, Jalen Angelo Limon ng St. Francis School sa Biñan at John Ashley Los Bañez ng Canossa School, Sta. Rosa.

Ang dalawang Jr. WNBA players ay sina Lui­sa San Juan ng Amazing Grace School sa Laguna at Pherl Gwyneth Savendano ng Christian Values School sa Cavite.

Ang anim na pla­yers ay pinili mula sa Top 40 performers sa unang araw ng kampo sa Alonte Sports Arena na umakit ng 481 players na may edad 10-14-anyos buhat sa South Luzon.

Ang Top 40 ay pinabalik sa Day 2 para sa mas mabigat na intense drills at basketball team exercises.

Ang final scrimmage sa pagtatapos ng Day 2 ang pumili sa pinakamahusay na basketball players na nagpakita ng Jr. NBA/Jr. WNBA core values na Sportsmanship, Teamwork, positive Attitude at Respect.

Show comments