^

4 na lang ang nalalabing Pinoy sa World-10 Ball C’ships

(Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat na Filipino cue-artists na lamang ang palaban sa World 10-Ball Championships na ang knockout round ay gumugulong na sa SM City Mall sa General Santos City.

Matapos ang tagisan sa round-of-64 at round-of-32 ay naiwang nakatayo pa sina Warren Kiamco, Lee Van Corteza, Johann Chua at Carlo Biado.

Ang Derby City 9-Ball champion na si Kiamco ay nanalo kina Karol Skowerski,11-8, at kay fifth seed Darren Appleton,11-5.

Si Corteza ay nanaig kina Albin Ouschan,11-9, at Fu Che Wei,11-8;  habang ginulat ni Chua ang mga matitikas na dayuhan na sina Ralf Soquet,11-9, at Wang Can,11-7.

Palaban pa si Biado nang hiyain sina Nick Ekonomopoulos,11-7, at Romero Silvano, 11-2.

Ang tagisan nasa Last 16 na at mababawasan pa ng isa ang panlaban ng host country dahil sina Corteza at Chua ang magkikita sa isang laro.

Kalaban ni Kiamco si Yu Hsuan Cheng at si Biado ay makikipagsukatan kay Radoslaw Babica.

ALBIN OUSCHAN ANG DERBY CITY BALL CHAMPIONSHIPS BIADO CARLO BIADO CHUA CITY MALL DARREN APPLETON FU CHE WEI GENERAL SANTOS CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with