Waiters may pinatunayan sa Cavs

CLEVELAND--Ibinigay nina LeBron James at Kyrie Irving ang pagkakataon sa isang kakampi para siyang magbida sa panalo ng Ca­valiers laban sa Memphis noong Linggo sa NBA.

Si Dion Waiters ay gumawa ng 21 puntos at 13 dito ay kinamada sa huling yugto para ibigay sa Cavalies ang 105-91 panalo laban sa Grizzlies.

Si Waiters ay isang manlalaro na laging napapa­balita na ipagpapalit ng Cleveland dahil hindi nito naibibigay ang numerong inaasahan sa kanya.

“He’s learning every day,” pahayag ni James na may 25 puntos at 11 assists. “He’s a young guy. He hasn’t experienced must in this league, so for him to have a game like he had, we needed it.”

Tumapos si Marc Gasol ng 23 puntos at bukod pa ang paghatak ng 11 rebounds para sa Grizzlies na naglaro na hindi kasama ang mga injured na sina Zach Randolp na namamaga ang kanang tuhod na tinamo nang natalo ang koponan sa Chicago noong Biyernes.

Naghatid si DeMarcus Cousins ng 29 puntos at 14 rebounds sa ikalawang start para itulak ang Sacramento sa 108-101 panalo sa Los Angeles Lakers at tapusin ang limang dikit na talo.

Sa iba pang laro, wagi ang Toronto sa New York, 118-108; ang Brooklyn sa Detriot,110-105; ang Miami sa Boston, 100-84; ang Philadelphia sa Orlando, 96-88; ang Phoenix sa Wa­shington, 104-92; ang India­na sa Minnesota,100-96; at New Orleans sa Oklahoma City, 101-99.

Show comments