Painters sa semis

Napahinto sina Asi Taulava ng NLEX at Hyram Bagatsing ng Kia nang mawala ang bola sa isang ba­­hagi ng kanilang laro. (Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines – Hindi hinayaan ng Rain or Shine na masayang ang kanilang winning streak.

Sinandigan ang itina­yong 23-point lead sa third period, pinatumba ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings, 100-90, para angki­nin ang isa sa dalawang out­right semifinals berth sa 2014-2015 PBA Philippine Cup ka­gabi sa Smart Arane­ta Co­liseum.

Sinolo ng Rain or Shine ang liderato sa ka­ni­lang 9-2 record kasunod ang San Mi­guel (8-2), Talk ‘N Text (8-3), Alaska (8-3), Gi­­­nebra (6-5), nagdedepen­sang Purefoods (5-5), Glo­bal­port (5-5), Meralco (5-5), Barako Bull (4-6), NLEX (4-7) at mga sibak nang Kia (1-10) at Blackwater (0-10).

Sa tournament format, ang Top Two teams ang kukuha sa outright semis seat, habang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 3, 4, 5 at 6 laban sa No. 10, 9, 8 at 7 teams, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Elasto Pain­ters, nakamit ang kanilang pang-pitong sunod na pana­lo, ang 23-point lead, 80-57, sa 4:25 minuto ng third period bago nakalapit ang Gin Kings sa 76-84 sa pag­bu­bukas ng fourth quarter.

Ngunit hindi na nakadikit pa ang Ginebra.

Sa unang laro, wina­ka­san ng Road Warriors ang kanilang tatlong sunod na ka­malasan nang talunin ang Sorento, 88-80.

Umiskor si Reil Cervan­tes ng career-high na 34 mar­kers para sa Kia.

NLEX 88 - Taulava 19, Ca­naleta 16, Ramos 11, Vil­lanueva E. 10, Cardo­na 7, Villanueva J. 7, Bor­­­­­boran 6, Baloria 4, Cam­­­­son 3, Arboleda H. 3, Lingganay 2, Raymundo 0, Apinan 0, Arboleda W. 0.

Kia 80 - Cervantes 34, Buensuceso 18, Ba­gat­­sing 11, Custodio 5, Thie­le 3, Burtscher 3, Po­­­ligrates 2, Revilla 2, Pas­­cual 2, Ighalo 0, De­he­sa 0, Webb 0, Alvarez 0, Bartolo 0.

Quarterscores: 21-25; 40-42; 62-57; 88-80.

Rain or Shine 100 - Bel­ga 21, Lee 18, Chan 11, Quiñahan 11, Ibañes 9, Uyloan 8, Norwood 8, Cruz Jervy 4, Tiu 3, Ara­­ña 3, Cruz Jericho 2, Al­­mazan 2, Tang 0.

Ginebra 90 - Tenorio 14, Slaughter 14, Aguilar 14, Caguioa 10, Ma­maril 9, Yeo 9, Reyes 7, Ba­ra­­cael 6, Forrester 5, Bron­dial 2, Monfort 0, Hel­terbrand 0.

Quarterscores: 36-22; 55-41; 84-71; 100-90. (RC)

Show comments