Pacman pinakamagandang laban ang ibibigay vs Floyd

HONG KONG – Ihahanda ni Manny Pacquiao ang kan­yang pinakamagandang laban para kay Floyd May-weather Jr.

At bago pa man masimulan ang negosasyon ay iniisip na ni Pacquiao ang nasabing super fight na pinakahihintay ng buong mundong mangyari.

Idineklara ni Pacquiao ang kanyang kahandaang labanan si Mayweather matapos pabagsakin ng anim na beses si Chris Algieri noong Linggo para mapanatiling suot ang kanyang WBO welterweight crown.

Kuntento ang future Hall of Famer sa kanyang ipina­kita kontra kay Algieri.

Mula sa ranggong 10 ay binigyan niya ang kanyang sarili ng pito.

“If I will rate myself in that fight, it’s a seven. It’s not yet a 10,” sabi ni Pacquiao.

“But it’s Floyd Mayweather, it should be nine or 10. If it’s Mayweather, I will use more of polymetrics,” dagdag pa nito matapos ang Algieri fight.

Sinabi pa ni Pacquiao na maaari niyang labanan si Mayweather sa 147 pounds.

“One forty-seven,” wika niya sa mga Pinoy scribes.

“And if I fight him it will not be only for one fight. It could be two or three fights,” sabi pa ni Pacquiao sa posibleng pagkakaroon ng rematch clause sa kanilang kontrata.

Ayon kay Bob Arum, maaaring maitakda ang nasabing laban sa unang anim na buwan ng 2015 at idaraos sa venue sa labas ng Las Vegas, kasama na ang AT&T Center (dating Cowboys Stadium) sa Dallas.

Show comments