Pacquiao wagi kontra Algieri

Anim na beses pinatumba ni Manny Pacquiao si Chris Algieri. Philstar.com/AJ Bolando

MACAU – Anim na beses pinabagsak ni eight-division champion Manny Pacquiao ang Amerikanong si Chris Algieri upang makuha ang unanimous decision na panalo Linggo sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel.

Nakuha ni Pacquiao ang score na, 119-103, 119-103, 120-102, para madepensahan ang kanyang WBO welterweight title.

“I wasn't surprised that he (Algieri) kept getting up because I saw him do that against Ruslan Provodnikov. He's really tough,” pahayag ni Pacquiao pagkatapos ng laban.

Isang matinding left hook ang pinakawalan ni Pacquiao sa 9th round upang muling pabagsakin si Algieri sa panlimang pagkakataon.

“He has perfected his style of fighting,” komento ni Algieri na natikman ang unang pagkatalo.

“I was never hurt but he caught me with a good shot I think it was in the 9th round,” dagdag niya.

Napaganda ni Pacquiao ang kanyang kartada sa 57-5-2 na may 38 Kos, habang natigil ang magkakasunod na panalo ni Algieri sa 20-1 record.

Show comments