Aldridge nagbida sa Blazers para sa paggupo sa Thunder

Iniwanan ni Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook si Portland Trail Blazers guard Steve Blake sa isang bahagi ng third quarter.

PORTLAND, Ore. -- Iki­nagulat ni LaMarcus Aldridge ang kanyang unang basket sa season.

Nagsalpak si Aldridge ng isang three-pointer at tumapos ang All-Star forward na may 27 points para pa­ngunahan ang Trail Blazers sa 106-89 season-opening victory kontra sa Oklahoma City Thunder.

Sinabi ni Aldridge, pi­nag­husay ang kanyang long-range shot, na ang de­pensa ni Russell Westbrook ng Thunder ang pu­muwersa sa kanya para tu­mira sa 3-point range.

‘’I don’t think anyone was thinking my first shot would be a long 3, so it was pretty cool,’’ wika ni Al­dridge.

Gumamit lamang ang Thunder ng siyam na pla­yers bu­­nga ng pagkawala ni NBA MVP Kevin Durant, su­mailalim sa surgery para sa isang fractured bone sa kan­yang kanang paa.

Posible siyang makala­ro sa Disyembre.

Umiskor si Westbrook ng 38 points, ang 26 dito ay kanyang itinala sa first half.

Kinuha ng Portland ang 89-80 abante sa huling pi­tong minuto mula sa tres ni Damian Lillard na sinundan ng alley-oop dunk ni Al­dridge para iwanan ang Ok­lahoma City sa 93-83.

Sa Miami, binigo ng Heat ang Washington Wi­zards, 107-95, para sa ka­nilang unang laro matapos magbalik si LeBron James sa Cleveland Cavaliers.

Humakot si Chris Bosh ng 26 points at 15 boards at nag-ambag si Norris Cole ng career-high na 23 mar­kers para sa Miami.

Umiskor si Dwyane Wade ng 21 points, ang 12 dito ay kanyang ginawa sa fourth quarter bago siya ipinahinga dahil sa leg injury, habang may 12 markers si Luol Deng sa kanyang de­but game.

Pinamunuan nina Marcin Gortat at Drew Gooden ang Wizards sa kanilang tig-18 points kasunod ang 17 ni Paul Pierce sa kanyang Washington debut.

Tumapos si guard John Wall na may 16 points at 11 assists.

Sa New York, humakot si Pau Gasol ng 21 points at 11 rebounds sa kanyang Chicago debut, habang umis­kor si Derrick Rose ng 13 markers matapos ma­bakante sa nakaraang da­lawang seasons para igi­ya ang Bulls sa 104-80 pa­nalo laban sa New York Knicks.

Nadiskaril ang unang laro ni Derek Fi­sher bilang head coach ng Knicks.

Hindi nakalaro si Rose sa 2012-12013 season ma­tapos ang kanyang left ACL injury noong 2012 play­offs.

Nagbalik siya noong na­karaang season at nagsalpak ng isang go-ahead shot para talunin ang Knicks sa home opener ng Bulls, ngunit nagkaro­on muli ng injury noong Nob­yembre.

Nagdagdag si reserve Taj Gibson ng 22 points para pangunahan ang Chi­cago.

Si Carmelo Anthony ay kumamada ng 14 points para sa Knicks.

 

Show comments