Asian imports makikita sa PBA

SEOUL, Korea  -- Para sa nalalapit na 40th season ng PBA ay inaasahang ma­­kikita sa aksyon ang mga katulad nina Asian pla­­yers na kagaya nina Nik­­khah Bah­rami, Fadi El-Khatib, Sam Daghles, An­­­ton Pono­ma­rev, Kim Min­­goo at Lin Chi-chieh.

Ito ay matapos buksan ng Philippine Basketball Association ang kanilang pinto para sa mga Asian players sa darating na season sa la­yuning makaakit ng mga Asian fans at ng Asian ad­vertising market.

“The board agreed to try it for one conference spe­cifically and exclusively for marketing outside the coun­try and within the Asian region,” sabi ni PBA board chairman Patrick Gre­gorio.

“It’s another way of loo­king at the PBA as the No. 1 professional league in Asia,” dagdag pa ni Grego­rio.

Ipapakilala ng PBA ang “Asian integration” sa sea­son-ending Governors Cup kung saan papayagan ang mga PBA teams na humugot ng isang player na may height ceiling na 6-foot-4.

Mauuna ang mga Asian recruits sa mga regular im­­ports sa paglalaro sa sea­son-ending Governors Cup at ang mga naturalized Asian players ay ituturing na ineligible.

“It’s optional. And why 6-4? It’s the average height of Filipino players,” ani PBA Commissioner Chito Salud. “But it’s still tentative. Everything will be finalized as the go­vernors cleared things with their principals (team owners).”

Bubuksan ng PBA ang kanilang pang-40 season sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Maglalaban ang mga ex­pansion teams na Kia Motors ni playing coach Man­ny Pacquiao at ang Blackwater Sports, habang mag­tatapat ang Barangay Ginebra at ang Talk ‘N Text.

Sa Abril 8 ay parara­nga­lan ng pro league ang 40 greatest players of all time.

Pananatilihin din ng liga ang kanilang three-confe­rence format simula sa 2014 Philippine Cup kasunod ang Commissioner’s at Go­vernor’s Cup.

Magkakaroon ng handicapping system para sa mga imports sa PBA Commissioner’s Cup at sa Go­vernors Cup.

Ang top eight teams ma­tapos ang elimination round ng Philippine Cup ay papayagang kumuha ng mga imports na may height limit na 6-foot-9 sa Com­missioner’s Cup.

Ang apat namang ma­ngungulelat ay maaaring kumuha ng mga imports na may unlimited height.

Sa PBA Governors Cup na­man ay ibabase ang han­dicapping sa ipinakita ng mga koponan sa Philippine at Commissioner’s Cup.

Ang top eight squad ay maglalaro nang may import na may height cei­ling na 6’5.

Ang apat na malalaglag ay papayagang magbandera ng mga imports na may unlimited height.

 

Show comments