Black nagdaos ng basketball clinic sa balwarte ni Pacman

MANILA, Philippines – Sa ikaanim na pagkakataon na nagtungo sa General Santos City si PBA coach Norman Black ay doon pa lamang niya nakaharap si Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Nanguna si Black sa isang basketball clinic na itinataguyod ng SKIL, ang nangugunang taga-gawa ng power tools sa mundo.

Dumalo rin si Pacquiao sa aktibidades at matapos ang clinic ay inimbitahan niya si Black para sa masa­ganang hapunan sa ta­ha­nan ng 8-division boxing champion.

Si Black ay coach nga­yon ng Meralco habang si Pacquiao ang magiging playing coach ng expansion team na Kia Motors sa PBA.

Napahanga si Black sa galing sa pag-estima ng bisita ni Pacquiao at bago naghiwalay ay nagkamayan sila at kahit paano ay binigyan niya ng sigla ang pagpasok ng boksingero sa PBA.

“I told Manny good luck on his PBA career,” wika ni Black. “It was a great pleasure to meet him and I commend his  hospitality.”

Mahigit na 400 panatiko ng basketbol ang sumipot sa dalawang araw na pagsasanay at 30 rito ay mga bata.

Naging endorser si Black ng SKIL dahil  ito rin ang kanyang mga ginagamit kapag may kinukumpuni sa kanilang bahay.

Show comments